Pinatunayan ng Converge ang lakas buga ng kanilang armada partikular na ang kuyog na depensa para pasabugin ang Phoenix Super LPG, 132-127 shootout Miyerkules sa PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Tinungkab ni Quincy Miller ang game-high 46 points, inangkorahe ang walong tres,
habang inilatag nina Jeron Teng at RK Ilagan ang pinakamahalagang kontribusyon mula sa lokal para hapitin ang kanilang winning streak sa anim qt mailista ang 7-2 kartada at nasa ikalawang upuan sa pangkalahatan.
Ang final score ng Converge at kabuuang 22 three-point shots ay parehong bagong mataas sa prangkisa at winning coach Aldin Ayo na iginawad ang lahat ng kredito sa kanyang tropa, na maayos na nakapag-adjust sa harap ng presyur na depensa ng Phoenix.
"We tried to simplify our plays because we were disrupted by their zone press," paliwanag ni Ayo. "We got delayed (in setting up plays) by their zone press so we just called our short plays... we made sure na mailagay sa tamang puwesto mga players, mailagay sila sa sit'wasyon na makaka-score sila."
Ang winning output ay ang pinakamaalab na ng koponan ngayong season buhat nang Bay Area's 133 sa opening day noong Sept. 21 at pinakamataas na naitala ng isang rookie team mula sa nabuwag na Sta. Lucia Realty squad na nahapit ang 148-142 overtime win kontra Swift sa 1993 Governors Cup.
Lagpas din ito sa 91.6 puntos na pinitas ng Phoenix sa nakaraang walong laro nito at ani Ayo na inaasahan ito sa isang mabilis na laro kung saan ang Fuel Masters ay sumindi din ng 14 na triples habang tangkang pabagalin ang FiberXers.
"High scoring because lots of possessions because of the pace, ang daming transition 3s," sambit ni Ayo. "In terms of our defense... tinamaan kami doon sa mga schemes nila. Ang ganda ng mga plays ni coach Topex (Robinson). Nalalagay sa tamang puwesto mga tao and they know how to exploit it."
Nagawang makipagsabayan ng Phoenix sa Converge hanggang sa pinaatras nina Maverick Ahanmisi, Aljun Melecio at Jeron Teng si Miller para sa isang matikas na 8-0 run na nagbigay sa FiberXers ng 127-116 lead, sapat na para manatiling mailayo ang Fuel Masters sa huling 3:42 ng laro.
Pinutol ng pagkatalo ang sariling winning streak ng Phoenix sa lima at ibinagsak ito sa 5-4 slate, sa kabila ng 25 puntos at gamehigh na 21 rebounds ni Kaleb Wesson.
Iskor:
Converge 132 - Miller 46, Teng 25, Ilagan 22, Ahanmisi 13, Melecio 9, Arana 6, Stockton 6, Murrell 5, Ambohot 0, Bulanadi 0, Tratter 0.
Phoenix 127 - Wesson 25, Mocon 17, Anthony 17, Serrano 17, Perkins 14, Tio 12, Jazul 12, Garcia 3, Manganti 4, Camacho 2, Pascual 2, Robles 2, Rios 0.
Quarters: 36-36, 73-74, 107-102, 132-127.
Photo Credits by:Pba.ph