Pinukpok ng TNT ang 121-90 pagrampa kontra natulalang Terrafirma para wakasan ang dalawang asignaturang pagdausdos sa PBA Commissioner's Cup Sabado sa Ynares Center sa Antipolo.
Rumatrat si import Cameron Oliver ng 26 points at kumalawit ng 15 rebounds habang bomomba si Jayjay Alejandro ng bagong career high na 17 markers kung saan balik sa mapatag na daan ang Tropang Giga para sa 4-4 kartada.
Nakapantay na ng TNT ang walang larong Rain or Shine at sosyo sa pang-anim at abutin ang .500 bago sapitin ang 11-day break dahil sa Gilas Pilipinas duties ni coach Chot Reyes at ilan pa niyang mga player.
"We focused on the things we can control - the way we defend, the way we rebound, the way we put in extra effort - instead of the things that are outside of our sphere of influence," saad ni Reyes.
Habang nagpapahinga si guard Mikey Williams ng pangalawang sunod na laro bilang bahagi ng kanyang team-imposed one-week suspension, nakakuha din ng alalay ang TNT mula kina Calvin Oftana (15), Poy Erram (14), Jayson Castro (11) at Jaydee Tungcab (11) dito sa kanilang pagresbak sa giyera. (Louis Pangilinan/ PBA)
Iskor:
TNT 121 - Oliver 26, Alejandro 17, Oftana 15, Erram 14, Castro 11, Tungcab 11, Pogoy 9, Khobuntin 7, K.Williams 5, Cruz 3, Heruela 3, Marcelo 0, Ganuelas-Rosser 0.
Terrafirma 90 - Prosper 32, Camson 16, Tiongson 16, Alolino 7, Cabagnot 5, Calvo 5, Gomez de Liano 3, Mina 2, Cahilig 2, Ramos 2, Gabayni 0, Munzon 0.
Quarters: 22-17, 45-39, 82-62, 121-90