Kings rumampa, sinagasa ang Terrafirma,111-90

Kings rumampa, sinagasa ang Terrafirma,111-90

PBA

Kings rumampa, sinagasa ang Terrafirma,111-90

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Napanatiling makasabay ng Barangay  Ginebra kasama ang malupit na Converge squad sa ikatlong puwesto habang pinalawig pa ang siphayo ng free-falling Terrafirma sa 111-90 pagkatalo sa PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum Biyernes ng gabi.
 
Sumabit sa dulo  ng isang come-from-behind 103-97 win laban sa Magnolia Linggo, ginulungan ng Kings  ang Dyip at dumikit sa pumapangalawang  Hotshots (5-1) para sa kanilang pang-apat na panalo kontra sa dalawang pagkatalo.
 
Walang iniwan si Justin Brownlee at ang kanyang katropa laban sa Terrafirma, na hindi nagpakita ng awa para ihatag sa Dyip ang ikapitong sunod na kabiguan sa mid-season tournament, ika-18 sa pangkalahatan sa season at ika-23 sunod-sunod na simula noong 2021 na kampanya.
 
 
"You don't take anything for granted. I've long been coaching in the league, I know if you take things for granted, you get burned," sambit ni Ginebra coach Tim Cone.
 
 
At nariyan si Cone na binigyan ng tiket si Justin Brownlee ng mahabang minuto kahit na sila ay may ganap na kontrol sa laro halos hanggang sa huli. 
 
 
Tinawag ni Cone si Brownlee bilang kanilang "comfort blanket," na nagsasabing nakakahinga sila ng maluwag kapag ang kanilang import ay nasa court, at all around bukod sa pag-iskor.
 
Nagtala si Brownlee   ng triple-double na may 23 puntos, 11 rebounds at 11 assists at dalawang block laban sa tatlong turnovers. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
 
Iskor:
 
Ginebra 111 - Brownlee 23, Standhardinger 19, J.Aguilar 13, Thompson 12, Malonzo 11, Gray 10, Pringle 9, Pinto 6, Mariano 4, Tenorio 3, Pessumal 1, R. Aguilar 0.
 
Terrafirma 90 - Camson 21, Munzon 16, Tiongson 16, Ramos 9, Gomez de Liano 7, Prosper 7, Javelona 6, Cahilig 6, Mina 2, Cabagnot 0, Calvo 0, Gabayni 0, Alolino 0, Balagasay 0.
 
Quarters: 27-19, 61-39, 86-65, 111-90.