Serrano sinalba ang  Phoenix para sa 4th straight win vs Rain or Shine!

Serrano sinalba ang  Phoenix para sa 4th straight win vs Rain or Shine!

PBA

Serrano sinalba ang  Phoenix para sa 4th straight win vs Rain or Shine!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Galing sa malamig na bench ng tropa, tumaktak si Encho Serrano ng 18 points at higit pa para palawigin ng  Phoenix Super LPG ang kanilang winning streak sa apat sa bisa ng 92-83 panalo kontra Rain or Shine Miyerkules sa PBA Commissioner's Cup sa Ynares Center sa  Antipolo.
 
Sa larong karaniwan nang ang lumalagareng scorer  ay sina  Javee Mocon at  Tyler Tio ay sadyang nawala sa wisyo  at  import Kaleb Wesson na inalihan ng fouls, pero si Serrano ang pumasan ng responsibilidad at umiskor pa ng anim na sunod na puntos sa  endgame na nagpadingas sa  Fuel Masters para tuluyang iligwak ang pagbabanta ng  Elasto Painters.
 
 
Ang second-round pick sa nakalipas na Rookie Draft nung Mayo ang nagsilbing lider kung paano hawakan ang pressure na nakaatang sa gabay mula kay  coach Topex Robinson. 
 
"Siguro 'yung challenge na ibinibigay niya sa amin parang na-o-overcome ko na," palatak ni Serrano.
 
"Less pressure na ngayon kasi hinahayaan niya akong maglaro. Every time na ipapasok ako gusto niya aggressive ako. Kaya ayun, lumalabas laro ko," dagdag pa ng high-flying guard na pumukol ng  7-of-10 mula sa field at may kinalawit din na limang  rebounds at gayung daming assists.
 
Si Robinson, na ang tropa ngayo'y na nalagpasan ang mapaklang  0-3 start sa mid-season tournament, ay nagsabing ang pakitang gilas ni  Serrano ang nagpatibay sa kanyang mind-set na tomodo sa giyera. 
 
"We know it was gonna be a physical game," sambit ni Robinson, na minsa'y naglaro para sa  Rain or Shine counterpart Yeng Guiao habang nasa siya'y nasa Red Bull. 
 
"I've been with coach Yeng and he always put so much emphasis on being mentally tough." (Louis Pangilinan/PBA)
 
 
 
 
Iskor:
 
Phoenix 92 - Wesson 21, Serrano 18, Jazul 11, Anthony 9, Pascual 8, Manganti 7, Mocon 5, Tio 5, Rios 4, Adamos 2, Robles 2, Camacho 0, Lojera 0, Lalata 0, Garcia 0.
 
Rain or Shine 83 - Taylor Jr. 16, Mamuyac 14, Nambatac 12, Asistio 9, Belga 8, Caracut 5, Demusis 5, Norwood 5, Ponferrada 5, Santillan 2, Borboran 2, Nieto 0.
 
Quarters: 19-22, 48-42, 72-59, 92-83