Pinasabugan ng 17-point bentahe at laglag ng limang baskets, ipinamalas ng Converge ang astig na karakter para makabangon at umeskapo sa halimaw na lakas ng San Miguel Beer. Inangkorahe ni Quincy Miller at Aljun Melecio ang matikas na arangkada ng FiberXers para maikabit ang 106-102 pagsilat kontra Beermen sa PBA Commissioner's Cup Biyernes ng gabi sa PhilSports Arena.
Iginiit ni Miller ang kanyang sariling presensyang pumulas sa ilalim, mintis lang ng isang block para sa triple-double job habang kumaldag si Melecio ng career-high 18 markers na hinatagan ng pitong seven assists kung saan umangat ang Converge na makasosyo sa ikatlong puwesto kasama ng NLEX, 3-2.
Umukit din ng solidong suporta mula kina Maverick Ahanmisi, Jeron Teng at ang nagbabalik na si Mike Digregorio, nagawang manindigan ng FiberXers laban sa Beermen at tambangan ang kanilang tagumpay sana sa unang laro ng kanilang bagong import Devon Scott.
Buhat sa 106-99 win kontra Meralco sa huling laban, siningasing ng FiberXers ang ikalawang sunod na panalo na sinaksihan ng cheering crowd sa pangunguna ni team owner Dennis Uy.
Binomba ng ganadong Converge top boss ang kanyang kamao sa ere kung saan kinumpleto ng FiberXers ang pagbalikwas laban sa tropa ng SMB na wala ang presensya ng kanilang main man June Mar Fajardo.
Pinalitan ni Scott sa SMB ang dating import na si Diamond Stone, na kumana ng 16 points at 15 rebounds habang pinamunuan nina CJ Perez at Moala Tautua ang parte sa opensiba na may 29 at 23 markers, ayon sa pagkakasunod.(Louis Pangilinan/PBA)
Iskor:
Converge 106 – Miller 24, Melecio 18, Teng 13, DiGregorio 12, Ahanmisi 10, Ilagan 8, Bulanadi 8, Arana 7, Tratter 3, Stockton 3, Hill 0.
San Miguel 102 – Perez 29, Tautuaa 23, Scott 16, Lassiter 7, Enciso 6, Herndon 6, Cruz 6, Manuel 6, Brondial 3, Ross 0, Zamar 0.
Quarters: 33-24; 59-48; 86-79; 106-102.
ReplyReply allForward
|