TNT pinasabog ang  Steve Taylor-less Rain or Shine, 110-91

TNT pinasabog ang  Steve Taylor-less Rain or Shine, 110-91

PBA

TNT pinasabog ang  Steve Taylor-less Rain or Shine, 110-91

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Walang iniwang oportunidad ang TNT Tropang Giga sa pagsabak nila sa kampo ng import-less Rain or Shine para itala ang dominanteng 110-91 panalo sa PBA Commissioner's Cup Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
 
Binitbit ni Cameron Oliver at kanyang katropa ang daan para ikamada ang 41-point pasabog sa pagsisimula pa lang ng arangkadahan at komportableng naitawid hanggang dulo ang sagupaan bagamat nahirati sa 14 lang ng ikalawang yugto. 
 
 
Unang laro ni Jayson Castro sa kanyang mid-season conference at tulungan ang TNT sa ikalawang sunod na panalo kasunod ng  117-93 paggiba sa NorthPort  'sang linggo ang nakalipas.
 
Naitarak ng TNT ang 2-1 baraha.
 
Danas ng Rain or Shine ang ikalawang magkasunod na talo at laglag sa  2-3 habang wala ang serbisyo ni  import Steve Taylor Jr. na inilagay sa health and safety protocols ng liga. 
 
 
Wala ang import, hirap ang Elasto Painters na matapatan ang istratehiya ng Tropang Giga.
 
Sa pangunguna ni Rey Nambatac na may 20 points, sa katunayan maganda ang ipinamalas ng Elasto Painters sa second quarter,  na nagawang maidikit ang ungos ng TNT sa lima, 50-55.
 
Ngunit hindi mapigilan ang pagkabrusko ng Tropang Giga nang kanilang ilunsad ang matikas na  32-14 sa ikatlong serye. 
 
"We had a good first quarter but had a bad second quarter. We lost the second quarter by 16 points with our rivals without an import. And that does not speak well of us. It's a perfect reflection of where we are right now as a team," sambit ni TNT coach Chot Reyes.
 
 
"We need to play a full 48 minutes and we're not there yet. It's good Jayson was there and he injected life for us in the third quarter," ani pa Reyes. (Louis  Pangilinan /PBA) 
 
Photo Courtesy - PBA.PH