Balik-import na si Fuller umayuda sa panalo ngTNT Tropang Giga

Balik-import na si Fuller umayuda sa panalo ngTNT Tropang Giga

Balik-import na si Fuller umayuda sa panalo ngTNT Tropang Giga
PBA

Balik-import na si Fuller umayuda sa panalo ngTNT Tropang Giga

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Bumalik si Aaron Fuller para sa ikatlong PBA tour of duty at tulungan ang TNT Tropang Giga at tapusin ang taon sa malinaw na kinabukasan sa bisa ng dikit na panalo kontra Rain or Shine Elasto Painters.

Sa kabila ng maigsing paghahanda sa TNT, pinatunayan ni Fuller ang sapat na tulong para lusawin ng Tropang Giga ang Rain or Shine Elasto Painters, 95-92, sa pagsasara ng PBA's "Season of Joy" presentation sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Inayudahan ni Fuller ang TNT na makontrol ang ikatlong yugto bago balekwain ng Tropang Giga ang Elasto Painters sa huling yugtong paghahabol nito at ipinta ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa apat na asignatura.

Pupungas-pungas ang Rain or Shine sa ikalawang sunod na kabiguan at malaglag sa 2-3.

Nakapronta si Henry Walker para sa Rain or Shine sa tangkang atake sa endgame pero nagmintis ang potential game-winning trey sa tikatik na segundo, daan para tuluyang magdiwang si Fuller sa kanyang winning comeback sa local pro league.

Deniliber ni Fuller ang 13 points at 10 rebounds bilang tagumpay ng Tropang Giga sa pagtatapos ng two-day Yuletide extravaganza na suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Iskor:
TNT 95 - M. Williams 25, Pogoy 18, Erram 15, Fuller 13, Reyes 11, Castro 11, K. Williams 2, Heruela 0, Exciminiano 0, Khobuntin 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Banal 0.

Rain or Shine 92- Walker 32, Mocon 13, Ponferada 12, Belga 11, Nambatac 9, Norwood 6, Asistio 5, Santillan 3, Caracut 1, Torres 0, Borboran 0, Wong 0, Jackson 0.

Quarters: 21-27, 44-47, 77-65, 95-92