Beermen binangga ang Dyip, 3rd straight win tinungga, 100-88!

Beermen binangga ang Dyip, 3rd straight win tinungga, 100-88!

Beermen binangga ang Dyip, 3rd straight win tinungga, 100-88!
PBA

Beermen binangga ang Dyip, 3rd straight win tinungga, 100-88!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Tatlong tagay ang tinungga ng San Miguel Beer sa kanilang post-Christmas Day work laban sa Terrafirma.

Hinalibas ng Beermen ang Dyip, 100-88, para isalok ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa Season 46 PBA Governors' Cup Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpasabog si Terrence Romeo ng 23 points, kabilang ang 11 sa opening stanza, para pagdingasin ang Beermen sa 12-point ratsada sa isa sa handog ng PBA's "Season of Joy" Yuletide Special na suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Tinapatan ni import Brandon Brown ang scoring output ni Romeo sa pagkalawit ng 10 rebounds at paghatag ng limang assists sa resbak na performance mula sa kanyang 12-point production sa huling paglalaro.

Si CJ Perez (17 puntos at walong rebounds) at Vic Manuel (14 at 8 ) ay solido rin kung saan tinupi ng SMB ang planong pagsilat ng Dyip (1-4), na target maulit ang kanilang 110-104 overtime reversal sa huling Philippine Cup sa Bacolor.

"We made a lot of sacrifices during the holidays because we were down, 0-2, and it's hard to climb back from that with most of the teams preparing hard," saad ni San Miguel coach Leo Austria.

"I commend the players for recognizing the importance of our next games after we lost two consecutive and doing something about it," aniya pa.

Pinutok ni Juami Tiongson ang 21 markers kaagapay ang limang tres, itinuloy ang kanyang nag-aalab na paputok mula sa kanilang nakaraang All-Filipino upset, kung saan bomomba siya ng 28 sa SMB.
Iskor:
San Miguel Beer 100 - Romeo 23, Brown 23, Perez 17, Manuel 14, Fajardo 11, Lassiter 8, Enciso 2, Tautuaa 2, Pessumal 0, Zamar 0.

Terrafirma 88 - Tiongson 21, Hester 19, Calvo 9, Daquioag 8, Cahilig 7, Ramos 7, Gabayni 4, Camson 4, Pascual 4, Rosser 3, Batiller 2.

Quarterscores: 27-18, 48-37, 77-58, 100-88.