Bishop pinaandar ang Bolts para sa ika-2 sunod na panalo

Bishop pinaandar ang Bolts para sa ika-2 sunod na panalo

Bishop pinaandar ang Bolts para sa ika-2 sunod na panalo
PBA

Bishop pinaandar ang Bolts para sa ika-2 sunod na panalo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Pinadingas ni Tony Bishop ang magarbong pag-alsa sa endgame para sakluban ang 36-point at 17-rebound game at bitbitin ang Meralco sa maagang Pamasko ng panalo kontra TNT Tropang Giga Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Sinundan ni Bishop ang kanyang 28-point PBA debut kasama ang malaking double-double, at kunin ng Bolts Tropang Giga, 83-80, para manatiling walang talo papasok sa pagdiriwang ng Pasko.

May tyansa ang Tropang Giga na dalhin ang laro sa overtime ngunit nagmintis ang 3-point attempt ni Kelly Williams mula sa right quartercourt, na naging daan ng Bolts na umeskapo.

Habang angat ang Meralco sa 2-0 sa 46th PBA Governors' Cup, ang Philippine Cup titlist ay dapa naman sa 1-2.

"Gusto ko sana laro na lang, wala ng break," sambit ni Meralco coach Norman Black, nakangiti. "We're behind a lot of teams as far as games played is concerned. We want to play and get some rhythm."
Iskor:
Meralco 83 - Bishop 36, Newsome 15, Maliksi 10, Caram 7, Hodge 6, Almazan 5, Quinto 3, Black 1, Pinto 0, Belo 0.

TNT 80 - Pogoy 25, M.Williams 24, Castro 16, Moore 4, Erram 4, K. Williams 3, Marcelo 2, Banal 2, Heruela 0, Reyes 0, Khobunti 0.

Quarters: 21-18, 44-35, 63-58, 83-80