Kings umeskapo vs Fuel Masters, kartada imakulada, 125-121!

Kings umeskapo vs Fuel Masters, kartada imakulada, 125-121!

Kings umeskapo vs Fuel Masters, kartada imakulada, 125-121!
PBA

Kings umeskapo vs Fuel Masters, kartada imakulada, 125-121!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Pinausok ni LA Tenorio ang dalawang markadong tres na ang isa ay binitbit ang salpukan sa overtime at ang isa pa'y para selyuhan ang panalo ng Barangay Ginebra at mapreserba ang kanilang malinis na simula sa PBA Governors' Cup sangkot ang 125-121 win kontra Phoenix Super LPG, Linggo.

Dumileber sina Justin Brownlee and Christian Standhardinger ng malaking bilang ng mga puntos kaagapay ang solidong serbisyo ni Arvin Tolentino at Scottie Thompson, gayunman inagaw ni Tenorio ang pangunahing karakter sa kinakailangang mga sandali.

"Yung mga fans ang nag-force ng overtime. Kung wala yung cheers nila, walang overtime," ani Tenorio, na ipinagbunyi ng Big Dome crowd habang kinakapanayam bilang Best Player of the Game.

"Sa dalawang bubble, yan (cheers) ang hinanap namin. Na-miss namin sila ng husto. And we're really happy that they're back," dagdag pa ni Tenorio.

Ang Ginebra chief playmaker ay pumulbos ng tres na nagpuwersa sa OT, 114-114. At sa ekstrang minuto, bomomba si Tenorio ng panibagong three-pointer para basagin ang 125-121 panalo sa Phoenix.

"Actually, going to the game, we really expected a grind-out game, so we're ready. And it happened that Scottie and Justin made the right decision to pass the ball," sambit ni Tenorio sa crucial feeds ng kanyang three-point bomba.(LP/PBA)

Iskor:
Ginebra 125 - Brownlee 31, Standhardinger 30, Tolentino 20, Thompson 17, Tenorio 15, J. Aguilar 9, Onwubere 3, Salado 0, Chan 0.

Phoenix 121 - Harris 26, Wright 20, Perkins 19, Banchero 18, Melecio 15, Muyang 6, Demusis 6, Chua 4, Manganti 3, Garcia 2, Camacho 2, Jazul 0.

Quarters: 32-23, 56-54, 80-83, 114-114, 125-121 (OT).