Hotshots binaklas depensa ng E-Painters, 2nd straight win inayos!

Hotshots binaklas depensa ng E-Painters, 2nd straight win inayos!

Hotshots binaklas depensa ng E-Painters, 2nd straight win inayos!
PBA

Hotshots binaklas depensa ng E-Painters, 2nd straight win inayos!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Antisipado ng Magnolia Ang Pambansang Manok kung paano dumiskarte sa depensa ang Rain or Shine, pero tinapatan ito ng todo ng Hotshots.

Bagamat medyo napingga pa ng ilang panahon kung paano hapitin para sa mata ni coach Chito Victolero ang lahat at maitatak ng Magnolia ang 109-98 tagumpay Linggo para batakin ang mainam na umpisa sa PBA Governors' Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kumatas si Mike Harris ng 26 points, may 18 puntos at 9 boards si Calvin Abueva at hatag si Jio Jalalon buhat sa bench ng 14 points at 10 assists, ngunit ang kanyang Hotshots din ang naglatag sa iba pang korner ng court na nagpaaliwalas kay coach Chito Victolero.

"It started with our defense," sambit ni Victolero. "We want to control the pace of the game. I told my players before this game na we need to have that mental toughness because we know this is (going to be) a very physical game."

Ang pamilyaridad sa kaparehong tropa ang sumipa sa bisa ng two-game sweep sa kanilang duwelo sa quarterfinals noong nakalipas na Philippine Cup na nagsilbing panghimagas ng Magnolia para sundan ang 114-87 pagwasiwas sa Terrafirma sa opener ng Hotshots, Miyerkules.(LP/PBA)

 

Iskor:
Magnolia 109 - Harris 26, Abueva 18, Jalalon 14, Sangalang 11, Dela Rosa 9, Ahanmisi 8, Corpuz 8, Barroca 6, Dionisio 5, Lee 4, Brill 0.

 

Rain or Shine 98 - Walker 23, Nambatac 23, Mocon 20, Belga 14, Torres 4, Borboran 4, Norwood 3, Jackson 3, Caracut 2, Ponferada 2, Asistio 0, Wong 0, Santillan 0.

Quarters: 34-31, 55-48, 86-73, 109-98