McDaniels kuminang, NLEX diniskaril ang Terrafirma, 116-86

McDaniels kuminang, NLEX diniskaril ang Terrafirma, 116-86

McDaniels kuminang, NLEX diniskaril ang Terrafirma, 116-86
PBA

McDaniels kuminang, NLEX diniskaril ang Terrafirma, 116-86

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Ginamit ng NLEX ang mapatag na daan para sa maalab na tyansa at ipako ang bruskong  116-86 panalo kontra nalasog na Terrafirma Sabado sa PBA Governors' Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Kinangkong ni KJ McDaniels ang kanyang 34-point, 13-rebound performance sa pagsiklab at gatungan ang pagsustena sa ratsada ng Road Warriors na nagsimula sa kalagitnaan ng ikatlong kanto at suwabe na hanggang sa huli. 

 Pinantayan na ng NLEX ang kanilang pinakamaangas na  4-0 start na kinabig noong 2017 edition sa kaparehong torneo habang nagtapos ng karampot lang sa pinakamalaking winning margin ng prangkisa na itinakda na inihatag sa San Miguel Beer, 124-90 paglaglag noong Philippine Cup bubble 2020 sa  Clark.

Gayunman, hindi pa ito ang oras para magdiwang ayon kay winning coach Yeng Guiao. "Cautious optimism kami," aniya.

"It's a good sign, but we don't want to be looking at ourselves like we're in there and we're contending. We're just trying to get better every day. That's the mentality," dagdag ni Guiao. "If we can push this as far as we can, let's see where it gets us."(LP/PBA)


Iskor:
NLEX 116 - McDaniels 34, Alas 20, Oftana 14, Rosales 10, Trollano 9, Quinahan 8, Paniamogan 5, Semerad 4, Magat 4, Galanza 3, Taulava 3, Cruz 2, Ighalo 0.

Terrafirma 86 - Hester 27, Tiongson 15, Adams 7, Pascual 7, Batiller 7, Ganuelas-Rosser 7, Cabagnot 5, Ramos 5, Melton 3, Camson 3, Calvo 0, Gabayni 0, Balagasay 0.
 Quarters: 23-20, 47-47, 77-66, 116-86
 
Photo Credits by:Pba.ph