Agad na tinubos ng Rain or Shine mula sa kanilang diskaril na weekend para hilahin ang 90-88 bounceback win laban sa dating unbeaten Phoenix Super LPG sa 46th PBA Governors' Cup Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos ang ilang pagtono ng taktika, iginuhit ng Elasto Painters ang ilang pag-angat at sindihan ang 13-2 pasabog sa huling walong minuto para kumpletuhin amg pagsaklit at tuluyang kalimutan na ang nakaririnding 106-112 overtime loss kontra Terrafirma noong Sabado.
"I'm so proud of these guys for rising through adversity and battling for one another when our main guy Mocon was really having a bad game," sambit ni ROS coach Chris Gavina.
Nakisosyo na ang agresibong Elasto Painters sa Fuel Masters, 2-1 kasunod ng fan-attended main game sa Big Dome.
Si Rey Nambatac, may 17 points, at Beau Belga, 16, ang bumandera sa pagsalansan ng mga puntos para sa ROS kung saan si import Henry Walker ay umiskor ng 15 sa foul-riddled outing at kumayas lang si Javee Mocon ng 6 markers sa mabigat na 2-of-15 shooting clip.
Naghatag si Rookie Santi Santillan ng solidong 13 at 10 boards habang si backup Mark Borboran ay may walong puntos.
Iskor:
RoS 90 - Nambatac 17, Belga 16, Walker 15, Santillan 13, Borboran 8, Mocon 6, Wong 6, Caracut 4, Norwood 3, Ponferada 2, Jackson 0, Torres 0.
Phoenix 88 - Harris 17, Banchero 14, Manganti 11, Wright 10, Perkins 8, Melecio 8, Jazul 8, Rios 6, Garcia 4, Camacho 2, Muyang 0, Chua 0.
Quarters: 16-23, 44-50, 71-71,90-88.