Magnolia sinagasa ang Terrafirma, Harris, Abueva doble-doble pigura!

Magnolia sinagasa ang Terrafirma, Harris, Abueva doble-doble pigura!

Magnolia sinagasa ang Terrafirma, Harris, Abueva doble-doble pigura!
PBA

Magnolia sinagasa ang Terrafirma, Harris, Abueva doble-doble pigura!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nagpalabas ng maigting na mensahe ang Magnolia Ang Pambansang Manok nang sagasaan ang Terrafirma 114-87 Miyerkules sa unang laro ng pagbabalik ng aksiyon sa Smart Araneta Coliseum.

Minarkahan ni Mike Harris ang kanyang unang galaw sa pagtuntong sa Pinas sa kanyang double-double na 30 points at 15 rebounds habang si Calvin Abueva ay may sariling double-double na 17 points at 11 boards sa pagbandera sa Hotshots na naghatid ng sapat na momentum sa laro.

Dagdag pa si Paul Lee ng 16 points at hatag naman sina Ian Sangalang at Aris Dionisio ng tig -10 puntos para sa balanseng atake ng Magnolia sapat na para palobohin ang iskor sa 114-80.

Halatadong tinutumbok na ni winning coach Chito Victolero ang agarang mithi.

"Actually, iyan ang pinag-usapan namin. We want to start strong," aniya, kung saan agad na nagparamdam, hindi lang ang muling mahablot ang titulo ng torneo na kanilang kinaldag noong 2018 kundi maging mapaayos ang kanilang runner-up finish sa huling Philippine Cup.

We want to send a message right away," pahayag ni Victolero.

Iskor:
Magnolia 114 - Harris 30, Abueva 17. Lee 16, Sangalang 10, Dionisio 10, Ahanmisi 8, Jalalon 8, Dela Rosa 6, Brill 4, Barroca 3, Laput 2, De Leon 0.

Terrafirma 87 - Hester 21, Tiongson 20, Cabagnot 16, Ganuelas-Rosser 10, Cahilig 6, Pascual 3, Batiller 2, Calvo 2, Camson 2, Ramos 2, Melton 2, Gabayni 1, Celda 0, Adams 0.

Quarters: 18-15, 46-35, 81-64, 114-87