Beermen ginapos ang Batang Pier para sa unang panalo

Beermen ginapos ang Batang Pier para sa unang panalo

Beermen ginapos ang Batang Pier para sa unang panalo
PBA

Beermen ginapos ang Batang Pier para sa unang panalo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Pinundi ng San Miguel Beer ang anumang balakid sa sarili at hatakin ang 91-88 win kontra NorthPort, at itala ng Beermen ang buwenamano sa PBA Governors' Cup sa Ynares Sports Arena.

Hinampas ng SMB ang pag-igpaw sa paglalaro sa hulihan na naging daan para pasakan ng Beermen ang Batang Pier, na kinalos ang kambal na 27-point deficits sa ikatlong kanto diretso sa payoff quarter sa kabila nang wala ang presensiya ni import Cameron Forte, na may leg injury.

Sa kabila nang pag-iskor lang ng limang puntos sa kabuuan ng second half nasustena ni Brandon Brown na pamunuan ang SMB sa kanyang 24 points , may 12 rebounds at pitong assists para hulihin ng Beermen ang kanilang unang panalo matapos ang pagkatalo sa NLEX at Alaska sa season-ending tourney.

"After two losses it's a wake-up call for us and I'm so lucky that the players, after a lengthy talk with the team, they responded, especially in the first three quarters," sambit ni SMB coach Leo Austria.

"But nandoon pa rin 'yung nag-re-relax sa dulo."

 

Si Brown, na hindi nakalasap ng panalo matapos ang anim na beses na aksiyon bilang kapalit na import para sa Phoenix noong 2017 edition sa kaparehong torneo, ay pihado namang nakatulong sa madulas na unang panalo sa pagtubog ng dalawang free throws para sa 91-85 count, 60 segundo pa.

Iskor:
SMB 91 - Brown 24, Perez 15, Fajardo 15, Lassiter 12, Manuel 10, Pessumal 9, Romeo 6, Enciso 0, Tautuaa 0.

NorthPort 88 - Bolick 24, Santos 23, Malonzo 22, Slaughter 10, Taha 4, Ferrer 2, Grey 2, Balanza 1, Rike 0, Doliguez 0, Elorde 0.

Quarters: 26-9, 49-31, 72-58, 91-88

(Photo Credit by:Pba.ph)