McDaniels drayber ng NLEX sa pagsagasa kontra NorthPort, 120-115, OT

McDaniels drayber ng NLEX sa pagsagasa kontra NorthPort, 120-115, OT

McDaniels drayber ng NLEX sa pagsagasa kontra NorthPort, 120-115, OT
PBA

McDaniels drayber ng NLEX sa pagsagasa kontra NorthPort, 120-115, OT

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Trinangko ni KJ McDaniels ang NLEX sa limang ekstrang minuto para isampa ang 120-115 dagundong laban sa NorthPort Biyernes sa PBA Governors' Cup sa Ynares Sports Arena.

Patuloy na kinarga ang kanyang ibayong enerhiya sa basket na lumusaw sa depensa ng Batang Pier, sumalaksak si McDaniels ng onse sa kanyang game-high 40 points sa extra period para imaniobra ang Road Warriors sa kanilang ikalawang panalo sa bagitong pag-arangkada ng torneo.

Nakibahagi si Kevin Alas sa pagtali ng kanyang 21-point produksyon kabilang ang tatlong sunod na charities na nagkalas sa 102-all tie sa huling 1.2 seconds sa regulation at puwersahin ang OT. Habang inayudahan ni Calvin Oftana si McDaniels bitbit ang sariling 10 puntos sa extension.

Maliwanag, gayumman, si McDaniels ang bumida sa gapak na sitwasyon nang basagin ang huling deadlock ng aksyon, 111-all sabit ang three-point play bagupaman kinaldag ang apat pang puntos para sa 118-113 lead na tiket para maisalta ang baraha, may 12.5 tikatik na lang.

Ibinigay naman ni McDaniels ang ilang kredito sa kanyang teammates. "It's a great team effort," aniya. "But when it came to overtime I knew I have to put my stamp on the game."

Iskor:
NLEX 120 - McDaniels 40, Alas 21, Miranda 13, Oftana 10, Trollano 8, Quinahan 8, Cruz 4, Magat 4, Semerad 4, Rosales 3, Varilla 3, Paniamogan 2.

NORTHPORT 115 - Slaughter 22, Santos 20, Bolick 18, Forte 17, Malonzo 14, Taha 9, Balanza 7, Ferrer 7, Rike 1, Elorde 0.

Quarters: 30-19, 57-50, 84-75, 102-102, 120-115

(Photo Credit by:Pba.ph)