Alaska sinilat ang SMB, sosyo sa unahan kasama ng NLEX

Alaska sinilat ang SMB, sosyo sa unahan kasama ng NLEX

PBA

Alaska sinilat ang SMB, sosyo sa unahan kasama ng NLEX

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Umiskor ang Alaska Milk ng 99-94 pagsilat sa San Miguel Beer Biyernes bilang follow-up sa 87-85 gitgitang panalo sa NorthPort Miyerkules para angkinin ang pagsosyo sa liderato kasama ng NLEX sa
PBA Governors' Cup.

Kaakibat ng 'wisyo at bilis, nagawang mangunyapit ng Aces kontra bruskong si June Mar Fajardo at kanyang tropa sa kabuuan ng giyera diretso sa pagsubi ng kanilang 3-0 baraha sa Linggo Uno ng reinforced tourney.

Umariba si Olu Ashaolu at ginatungang Aces kung saan target na pisakin ang buwenamanong banggaan nila ng defending champion Barangay Ginebra, Linggo.

"Every game is tough but we're looking forward to it. When you face Ginebra, it's always fun and competitive," sambit ni Alaska coach Jeff Cariaso.

May sariwang solidong laro si Ashaolu sa kanyang 23 points, 13 rebounds at 5 assists kaagapay sina Robbie Herndon, Abu Tratter, Mike Digregorio, Maverick Ahanmisi at rookie Alec Stockton sa pagkaloob ng malaking suporta tungo sa pagsilo ng 2-0 umpisa ng Aces buhat sa sulasok na 11th-place finish sa Philippine Cup.

(Photo Credit by:Pba.ph)