Nagpamalas si Troy Rosario nang walang patumanggang tapang mula sa kanyang nakakakabang pagbagsak at humugot ng ibayong inspirasyon ang TNT buhat sa kanilang talo sa Game 3, at gibain ang Magnolia, 106-89, Miyerkules ng gabi, isa na lang para masungkit ang korona ng PBA Philippine Cup.
Wala sa gaanong 'wisyo sa paglalaro si Rosario pero may mangas sa kabila nang nadislokang kalingkingan kung saan swabeng naglaro ang Tropang Giga tungo sa pagtuldok ng pivotal 3-1 lead sa best-of-seven series.
Sa Biyernes, tutungkabin ng Tropa ang kanilang una sa tatlong bitak at wakasan ang limang-taong pagkauhaw sa titulo.
"Shout out to Troy. He should not be playing. The reason we played him was for inspirational purposes. You see he couldn't even catch the ball, but he wanted to try to play. The message of courage rubbed off on to his teammates," sambit no TNT coach Chot Reyes.
"It's a great heart shown by Troy, then everything followed," dagdag pa ni Reyes.
Ayos lang kay Rosario ang tanging limang puntos, tatlong rebounds at isang assist kontra sa dalawang turnovers sa 19 minutong pagbabad.
Pero naging inpirasyon siya sa pagbomba sa Tropang Giga na rumesbak sa bisa ng dominanteng ratsada diretso sa pagbaluktot sa tangkang maitabla ng Hotshots ang serye.
Iskor:
TNT 106 - M. Williams 26, Castro 12, Reyes10, Marcelo 10, Erram 9, Heruela 9, Pogoy 9, Montalbo 8, K. Williams 6, Rosario 5, Khobuntin 2, Exciminiano 0, Alejandro 0, Javier 0, Mendoza 0.
Magnolia 89 - Abueva 28, Sangalang 17, Lee 15, Barroca 13, Dela Rosa 11, Reavis 3, Jalalon 2, Brill 0, Corpuz 0, Melton 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.
Quarters:24-24, 57-39, 82-67, 106-89.
(Photo Courtesy by:Pba.ph)