Mawisyong Tropang Giga 2-0 na vs Hotshots

Mawisyong Tropang Giga 2-0 na vs Hotshots

Mawisyong Tropang Giga 2-0 na vs Hotshots
PBA

Mawisyong Tropang Giga 2-0 na vs Hotshots

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Pinagtibay ng TNT Tropang Giga ang pagkontrol sa PBA Philippine Cup best-of-seven titular series sa pagtibag ng 2-0 lead matapos ang 105-93 pagkaldag sa Magnolia Hotshots, Biyernes ng gabi sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Pinalobo ng Tropang Giga ang 21-point lead sa bisa ng umuusok na three-point shooting sa unang bahagi at binasag ang huling yugtong pagragasa ng Magnolia para dugtungan ang kanilang 88-70 kasawian sa series opener, Miyerkules.

Ang Best Player of the Conference contender na si Mikey Williams ay may mainam na bersiyon para sa kanyang sarili matapos ang 21-point showing sa huling tikada, sa pagpaulan ng 28 ngayon kung saan natumbok ng Tropa ang kalahati ng pagseserbisyong kailangan para isampa ang inaasam na Emilio "Jun" Bernardino Trophy.

Pumutok ang TNT prized rookie na may 3-of-4 clip mula sa arko sa kanilang maagang malaking pasabog sa huli para ayudahang palamigin ang ratsada ng Magnolia.

Sisikapin ni Williams at kanyang tropa na makausad sa dalisdis na makahalik sa ultimong pasada para sa titulo sa Game 3, Linggo.(LP/PBA)

Iskor:
TNT 105 - M. Williams 28, Castro 16, Rosario 12, Heruela 11, Reyes 10, Pogoy 9, Erram 6, Khobuntin 5, Montalbo 5, K. Williams 3, Exciminiano 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Javier 0, Mendoza 0.

Magnolia 93 - Sangalang 25, Lee 12, Abueva 11, Barroca 11, Dionisio 9, Ahanmisi 6, Dela Rosa 6, Jalalon 5, Corpuz 4, Reavis 4, Brill 0, Melton 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.

Quarters:40-27, 66-50, 86-79,105-93.