Victolero iginiit na underdog ang Magnolia sa PH Cup finals

Victolero iginiit na underdog ang Magnolia sa PH Cup finals

Victolero iginiit na underdog ang Magnolia sa PH Cup finals
PBA

Victolero iginiit na underdog ang Magnolia sa PH Cup finals

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Alam ng Magnolia kung saan sila lulugar sa pagsagupa nila para sa PBA Philippine Cup finals kontra TnT Tropang Giga.

"We're the underdog," walwal ni Hotshots coach Chito Victolero.

"We face a very talented team kahit sino sa dalawa ang makapasok. We're the underdogs. Kaya we need a good rest para makapag-prepare yung legs and minds namin."

Una nang rumampa ang Hotshots sa title series matapos idiskaril ang no. 2 seed Meralco Bolts sa kanilang semifinals match up, 4-2. Ikinandado ang best-of-seven series sa bisa ng 93-85 win sa Game 6 noong Biyernes.

Makakasagupa ng Hotshots sa best of seven finals ang Tropang Giga makaraan dinaig ang San Miguel Beermen 97-79 sa kanilang do or die Game 7 semis match.

Alam ni Victolero na magiging matigtig ang nakatakdang salpukan sa Tropa.

"Wala ka naman doon na pipiliin, e. Sobrang lakas nung dalawang team na yun, sobrang talented. Sobrang deep, so wala kaming pipiliin doon," sambit ng Magnolia coach, bagupaman magsimula ng laban ng TnT-SMB.

 

 (Courtesy by:Pba.ph)