Magnolia dinispatsa ang Meralco,Hotshots balik - Ph Cup Finals

Magnolia dinispatsa ang Meralco,Hotshots balik - Ph Cup Finals

Magnolia dinispatsa ang Meralco,Hotshots balik - Ph Cup Finals
PBA

Magnolia dinispatsa ang Meralco,Hotshots balik - Ph Cup Finals

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Inilatag ng Magnolia Ang Pambansang Manok ang mas tusong pag-atake kesa Meralco para ariin ang 93-85 panalo Biyernes at akuin ang unang upuan sa PBA Philippine Cup finals sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Tinurok ni Ian Sangalang ang game-high 19 points at 14 rebounds para pamunuan ang Hotshots crew na sumapaw sa Bolts sa halos kabuuan ng laro at tapusin ang kanilang best-of-seven semifinals duel sa 4-2 at sumampa sa kaparehong race-to-four championship series kontra alinman sa San Miguel Beer o TNT.

Kapwa umasa si Sangalang at coach Chito Victolero na ang matinding karanasan na kanilang dinanas ay makakatulong na mapatatag ang kanilang tropa sa kampeonato.

"Nakita n'yo naman kung gaano kahirap mag-close ng series, sobrang hirap," sambit no Sangalang, na nagdagdag din ng 6 assists at 2 steals.

"Pero kami ginawa lang naming talaga kung ano dapat gawin para ma-close ang series na ito," dagdag ng 6-foot-7 slotman. "Once na nag-trabaho kami meron kaming chance manalo."

Iskor:
Magnolia 93 - Sangalang 19, Barroca 16, Dela Rosa 16, Jalalon 11, Abueva 11, Melton 6, Reavis 6, Corpuz 4, Lee 4, Brill 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0, Dionisio 0.

Meralco 85 - Almazan 16, Newsome 14, Maliksi 13, Pinto 10, Hodge 9, Caram 7, Quinto 7, Hugnatan 6, Belo 3, Black 0, Jackson 0, Jose 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.

Quarters: 20-27, 44-40, 72-68, 93-85.