Beermen rumesbak, pinuwersa ang do-or-die vs Tropa,103-90!

Beermen rumesbak, pinuwersa ang do-or-die vs Tropa,103-90!

Beermen rumesbak, pinuwersa ang do-or-die vs Tropa,103-90!
PBA

Beermen rumesbak, pinuwersa ang do-or-die vs Tropa,103-90!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Kung anuman ang ibinato ng TNT sa San Miguel, ibinalik din ng Beermen sa Tropang Giga, na naging daan para iporma ang deciding Game 7 sa PBA Philippine Cup semifinal face-off.

Nasapok ng todo sa Game 6, hinatid naman ng Beermen ang kanilang sariling dominasyon sa pagragasa sa Tropang Giga, Biyernes sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga, sa pagwasiwas ng 103-90 win para mapuwersa ang 3-3 deadlock sa race-to-four-games showdown.

Matira ang matibay ang dalawang kampo sa Linggo.

Sa bisa ng epektibong eksekusyon at swabeng busluan, naiganti ng Beermen ang kanilang 90-110 blowout loss, Miyerkules at palawigin ang back-and-forth pattern sa serye.

Pinangko nina Moala Tautuaa, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo at Arwind Santos ang sakalam ng Beermen para pansamantalang itiklop ang tangkang wakasan ang unang serye ng TNT.

Iskor:
SMB 103 - Tautuaa 24, Lassiter 19, Romeo 16, Santos 13, Fajardo 11, Cabagnot 9, Perez 8, Ross 3, Pessumal 0, Zamar 0, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

TNT 90 - Reyes 16, Castro 16, Erram 11, Rosario 10, M. Williams 9, Heruela 9, Montalbo 6, Pogoy 6, K. Williams 5, Khobuntin 2, Exciminiano 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Javier 0, Mendoza 0.

Quarters:27-21, 53-38, 86-62, 103-90