Tropang Giga silip na ang PBA finals, 110-90 vs Beermen
PBA

Tropang Giga silip na ang PBA finals, 110-90 vs Beermen

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sa wakas nakabalik na si Kelly Williams mula sa isolation, lumaro si Poy Erram na basag ang panga at inspiradong rumampa ang buong TNT Tropang Giga.

Ginulantang at sinakote ang kampo ng San Miguel Beer para ibuhol ng TNT ang 110-90 panalo para humakbang sa pintuan ng PBA Philippine Cup Finals Miyerkules ng gabi sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ngayong dala ang virtual twice-to-beat advantage, hahanguin ng Tropang Giga ang kanilang unang target na ikandado ang best-of-seven series, alas- tres ng hapon, Biyernes.

Sina Williams at Erram ang naglatag ng maigting na atake na sa kanilang presensiya na tahasang na-miss ng Tropang Giga sa kanilang 90-116 kabiguan sa Game 4.

At sa pagtumbok ng mga TNT shooter, pinasabog ng Tropang Giga ang armada ng Beermen kung saan kanila ring nailatag sa nakaraang blowout win sa Game 3, 115-98.

Pumutok sina Jayson Castro, Mikey Williams, RR Pogoy, Troy Rosario, Kelly Williams at Erram ng double-figure kung saan ang Tropang Giga ay muling dinomina ang Beermen at isampa ang sarili sa posisyong manaig sa serye sa Biyernes o Linggo.

Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na si Williams at Erram ang malaking factors dahil sa kanilang: "huge minutes put even in a not so ideal situation."

Komolekta si Williams ng 12 points, three rebounds at three assists, na malaking dahilan sa pagbarag kay giant Junemar Fajardo habang si Erram, na naglaro suot ang face mask sa kaagahan para protektahan ang kanyang injury, ay may 10 markers at anim na kalawit. 

 

Iskor:
TNT 110 - Castro 19, M. Williams 18, Pogoy 18, Rosario 17, K. Williams 12, Erram 10, Reyes 6, Montalbo 5, Exciminiano 3, Marcelo 2, Khobuntin 0, Heruela 0, Alejandro 0, Javier 0, Mendoza 0.

SMB 90 - Fajardo 23, Perez 18, Santos 14, Romeo 12, Tautuaa 10, Lassiter 5, Pessumal 3, Ross 3, Cabagnot 2, Zamar 0, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

Quarters: 32-17, 61-35, 81-61,-61, 110-90.

 

(Photo Courtest by:Pba.ph)