Beermen rumesbak uli vs TNT, 2-2!

Beermen rumesbak uli vs TNT, 2-2!

Beermen rumesbak uli vs TNT, 2-2!
PBA

Beermen rumesbak uli vs TNT, 2-2!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nabugbog ng todo sa kanilang huling giyera, ibinalik ng San Miguel Beer ang baton sa kanilang mga kamay para ipuwersa ang deadlock sa 2-2 sa serye ng PBA Philippine Cup semifinal kontra TNT sa bisa ng 116-90 demolisyon sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Mula sa kanilang puso sa pusong convo sa kanilang mga sarili sa enaayo noing Sabado, walang sinayang na pagkakataong rumagasa ang Beermen na may tinutumbok na layunin para ilatag ang kanilang dominanteng wire-to-wire win diretso sa pagtapyas ng serye sa best-of-three affair.

Mag-uunahan ang magkabilang panig para sa pivotal 3-2 lead sa Game Five, Miyerkules.

"We're embarrassed in Game Three and I wasn't able to get to sleep. At nagkaroon kami ng emosyonal na paguusap," sambit ni San Miguel coach Leo Austria.

Dinibdib ang kanilang 98-115 pagkatalo noong Biyernes, masigabong rumesbak ang Beermen para iwasang mahulog sa 1-3 pagkabagok. (LP/PBA)

 

Iskor:
SMB 116 - Tautuaa 25, Romeo 16, Lassiter 13, Fajardo 13, Cabagnot 12, Santos 11, Perez 10, Ross 7, Pessumal 4, Zamar 3, Gamalinda 2, Gotladera 0, Comboy 0, Sena 0.

TNT 90 - Castro 15, Khobuntin 13, M. Williams 11, Rosario 10, Exciminiano 8, Mendoza 6, Heruela 5, Montalbo 4, Alejandro 4, Erram 3, Marcelo 3, Reyes 2, Pogoy 2, Williams 0.

Quarters: 26-14, 57-32, 91-61, 116-90

(Photo Courtesy by:Pba.ph)