Tropang Giga kinontrol   ang Beermen, 115-98

Tropang Giga kinontrol   ang Beermen, 115-98

PBA

Tropang Giga kinontrol   ang Beermen, 115-98

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Pinaandar ng TNT ang kanilang sustenadong lakas sa simula para makuha ang kontrol sa kanilang  PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals versus San Miguel Beer, 115-98, Biyernes. 
 
Bitbit ang dominanteng gigilan, pumutok si Poy Erram sa kanyang 3-of-3 pagbato sa arko sa mainit na umpisa na nagpadingas sa kanyang katropa para madomina ang  Beermen sa kabuuan, dalawang gabi matapos sumabog sa laglag na 19-point lead sa kanilang walang kapatawarang kabiguan sa Game 2.
 
Tutumbukin ng Tropang Giga ang pivotal 3-1 lead sa kanilang pagbalik sa  DHVSU hardcourt sa Bacolor, Pampanga, Linggo.
 
Tumikada si RR Pogoy para sa unang basket ng aksiyon bago ginatungan ni  Erram ng tatlong magkakasunod na tres at wala nang nakapagpigil pa sa Tropang Giga patawid sa unahan ng serye. 
 
"We just talked about playing 48 minutes because in the first two games, we got beat in the fourth quarter. And everyone responded," wika ni TNT coach Chot Reyes, kung saan naisalba ang 89-88 endgame win sa  Game 1.
 
Photo courtesy : PBA.PH 
Iskor:
 
TNT 115 - Pogoy 26, Erram 21, M. Williams 20, Rosario 14, Montalbo 11, Castro 9, Khobuntin 4, Heruela 4, Reyes 2, Marcelo 2, Mendoza 2, Exciminiano 0, Alejandro 0, Williams 0, Javier 0.
 
SMB 98 - Romeo 22, Fajardo 14, Perez 14, Cabagnot 12, Tautuaa 11, Santos 9, Pessumal 5, Ross 3, Lassiter 3, Gamalinda 3, Zamar 2, Gotladera 0, Comboy 0, Sena 0.
 
Quarters: 29-20, 54-42, 85-68, 115-98.