Lee ginatungan ang Magnolia vs Meralco Bolts, Hotshots 2-0 na

Lee ginatungan ang Magnolia vs Meralco Bolts, Hotshots 2-0 na

Lee ginatungan ang Magnolia vs Meralco Bolts, Hotshots 2-0 na
PBA

Lee ginatungan ang Magnolia vs Meralco Bolts, Hotshots 2-0 na

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Muling kumikig ang Magnolia Ang Pambansang Manok buhat sa nagbabagang mga kamay ni Paul Lee kasama na ang kambal na tsansa para muling warakin ang Meralco 92-78, Miyerkules para ikomando ang kanilang bentahe sa PBA Philippine Cup semifinals duel sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Pinausok ni Lee ang game-high 28 points, tinampukan ng limang tres at paghugot ng sapat na ayuda mula sa kanilang katropa kung saan sinundan ng Hotshots ang kanilang 88-79 win sa best-of-seven series sa opener noong Linggo.

Sa paglista ng 2-0 lead, dumikit ang Magnolia para makabalik sa conference finals, ang puwestong kanilang naisampa noong 2018 at 2019. Ngunit mas target ni Lee na sanayin ang kanyang team at pokus lang para paghandaan ang susunod laro.

"Ayaw naming i-claim muna. Kumbaga, one game at a time muna kami," sambit Lee, na iginaod ang kalahati ng kanyang 18 shots at nagdagdag ng dalawang rebounds at tatlong assists sa halos 34 minutong aksyon.

"Siguro, focus muna kami sa tomorrow's practice kasi iyon 'yung key," dagdag pa ng combo guard. "Kumbaga, 'yung preparation namin, 'yung ensayo namin sobrang vital going to the game." (LP/PBA)

Iskor:

Magnolia 92 - Lee 28, Sangalang 16, Abueva 11, Dela Rosa 8, Melton 6, Reavis 6, Corpuz 4, Jalalon 4, Barroca 4, Dionisio 3, Pascual 2, Brill 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0.

Meralco 78 - Newsome 18, Pinto 12, Hugnatan 12, Belo 7, Quinto 7, Maliksi 7, Almazan 6, Caram 4, Hodge 3, Jose 2, Jackson 0, Black 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.

Quarters:13-13, 38-36, 64-58, 92-78.

(Photo Courtesy by:Pba.ph)