Tropang Giga 'di na pinaporma  ang Barangay Ginebra, 84-71!    

Tropang Giga 'di na pinaporma  ang Barangay Ginebra, 84-71!    

PBA

Tropang Giga 'di na pinaporma  ang Barangay Ginebra, 84-71!    

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Iginiit ng  top  seed TNT Tropang Giga ang kanilang sarili para tuluyang itupi ang  Barangay Ginebra 84-71 at angkinin ang unang upuan sa  PBA Philippine Cup Final Four sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga, Miyerkules.
 
Nagawang makipagsabayan ng Gin Kings sa kaagahan ng aksiyon bago hinaplit ng Tropang Giga ang preparadong istratehiya, ratratin ang oposisyon sa magkabilang dulo ng court diretso sa pagselyo ng silya  sa semis sa kanilang 13-point win.
 
Ang Kings, na tinalo ang  Tropang Giga sa title playoff noong 2020 Philippine Cup bubble sa AUF Gym sa Angeles, Pampanga, ay tuluyang umeksit para sa Bacolod semi-bubble kung saan matinding nakawala ang serbisyo ng mga tirador na sina  Japeth Aguilar at Scottie Thompson.
 
Si RR Pogoy at Troy Rosario ang namuno sa kabuuan kung saan umariba ng todo ang Tropang Giga sa kalagitnaan ng yugto.
 
"Bagong team, bagong conference, at masaya kami tinalo namin yung team na tumalo sa amin last time," sambit ni Rosario, na tumibag ng 15 points, 5 rebounds at tatlong assists sa 29 minuto sa loob. 
 
"Before the game, coach (Chot Reyes) talked about 'urgency and how do we want to win it today.' Pag binigyan namin sila ng chance, hihirap ang sitwasyon dahil 50/50 na," aniya pa.
 
 
Iskor:
 
TNT 84 - Pogoy 16, Rosario 15, M. Williams 11, Montalbo 10, Erram 9, Castro 7, Khobuntin 5, Williams 4, Heruela 3, Reyes 2, Marcelo 2, Exciminiano 0, Alejandro 0, Javier 0, Mendoza 0.
 
Ginebra 71 - Standhardinger 17, Pringle 15, Tenorio 9, Ayaay 9, Chan 5, Devance 5, Dillinger 4, Caperal 4, Mariano 3, Salado 0, Tolentino 0, Enriquez 0, Aguilar 0, Holmqvist 0.
 
Quarters:17-21, 39-33, 66-49, 84-71.