CJ Perez ang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week

CJ Perez ang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week

CJ Perez ang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week
PBA

CJ Perez ang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Isang kembot na lang sa San Miguel para muling makabiyahe sa PBA Philippine Cup semifinals, pero bagamat may ilang numero ang may kakayahang din umariba, isang bagito naman ang tahimik at pirming umuukit ng sariling husay na makalugar sa team.

Una niyang paglalaro sa komperensiya sa Beermen, hindi binigo ni quick-fire guard CJ Perez para ilatag ang kalmado ngunit matinik na operador para sa pagpaimbulog ng tropa makaraang matanggalan ng korona sa Clark bubble sa huling season.

Si Perez, ang two-time scoring champ mula Terrafirma, ay may averaged na 17.0 points sa 44 percent clip buhat sa three-range, 6.0 rebounds, 2.5 assists, at 2.0 steals sa huling dalawang panalo ng Beermen kung saan dramatikong nagtapos sa likod ng game-winner ng mga beteranong sina Marcio Lassiter at Alex Cabagnot.

Sa likod ng nakapirming mga numero, ang tubong Pangasinan na si Perez, ang tinanghal na Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week para sa petsang Sept. 22-26, na tinawid ang buntot sa eliminations at sa umpisa ng quarterfinals.

Si Perez ay naglaro sa kanyang unang playoffs appearance mula nang akuin ang top pick sa 2018 draft.