Ginamit ng Magnolia Ang Pambansang Manok ang ekstrang pagkayod para lusawin ang switik na Rain or Shine.
Sanib puwersa ang tambalang Paul Lee at Ian Sangalang para ikikig ang Hotshots sa 81-70 win laban sa Elasto Painters, Linggo sa umpisa ng kanilang Philippine Cup quarterfinals duel sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Tumipa si Lee ng 20 points, 14 ang nahaplit sa huling yugto habang nagtapos si Sangalang ng 19 points at 13 points na inaklasan sa matibay na depensa ng Magnolia sa buong aksiyon.
"Pag di ka nagtrabaho di mo makukuha game na ito," sambit ni Sangalang matapos ang panalo ng Hotshots sa best-of-three duel.
Ang pasabog ay hindi kagarbo gaya ng18 puntos ni Lee sa payoff period para sa 100-90 win kontra San Miguel Beer noong nakalipas na linggo, pero laksa pa rin para ayudahang mabara ang kontra atake ng E-Painters sa pamumuno ni Santi Santillan.(LP/PBA)
Iskor:
Magnolia 81 - Lee 20, Sangalang 19, Jalalon 10, Dela Rosa 10, Abueva 8, Barroca 8, Corpuz 4, Pascual 2, Brill 0, Melton 0, Reavis 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0, Dionisio 0.
Rain or Shine 70 - Santillan 17, Nambatac 16, Mocon 11, Belga 8, Borboran 5, Norwood 3, Caracut 3, Ponferada 3, Yap 2, Torres 2, Guinto 0, Wong 0, Asistio 0, Johnson 0, Tolentino 0.
Quarters: 21-16, 37-42, 60-50, 81-70.