NorthPort inagaw ang No. 5 spot, Ginebra vs Phoenix sa playoff!

NorthPort inagaw ang No. 5 spot, Ginebra vs Phoenix sa playoff!

NorthPort inagaw ang No. 5 spot, Ginebra vs Phoenix sa playoff!
PBA

NorthPort inagaw ang No. 5 spot, Ginebra vs Phoenix sa playoff!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Patuloy ang pananalasa ng Northport patawid sa post-elims play at ang resulta sasabak ang titleholder Barangay Ginebra sa isang playoff para sa huling silya sa quarterfinals.

Sumisingasing na nakipagsalpukan ang Batang Pier at ibaldosa ang Alaska Milk Aces, 122-94, sa pagtatapos ng PBA Philippine Cup eliminations sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga, Huwebes.

Sa bibihirang triple-double game na 22 points, 13 rebounds at kaparehong numero ng assists, binitbit ni Robert Bolick ang Batang Pier na maisampa sa pang-5 posisyon kaakibat ng panalo.

Natighaw ang resulta kahit wala ang serbisyo ni Greg Slaughter at Sean Anthony, sinubsob ng Batang Pier na maitulak ang Gin Kings sa sudden-death playoff para sa huling upuan sa quarters kontra Phoenix Super LPG Fuel Masters.

Parehong komolekta ang Phoenix, Ginebra at Terrafirma sa 4-7 win-loss cards. Ang Fuel Masters at Kings ang sasaltik sa knockout duel sa bisa ng superior quotients.

Iskor:

NorthPort 122 - Bolick 22, Malonzo 21, Taha 18, Onwubere 13, Rike 12, Doliguez 7, Ferrer 7, Balanza 67, Subido 5, Elorde 5, Grery 4, Faundo 2, Anhtony 0, Lanete 0, Slaughter 0.

Alaska 94 - Teng 18, Tratter 13, Digregorio 13, Adams 10, Casio 9, Banal 7, Browne 5, Brondial 5, Stockton 4, Marcelino 4, Ilagan 3, Ebona 3, Herndon 0, Ahanmisi 0, Publico 0.

Quarters:28-20, 61-43, 94-78, 122-94

(Photo Courtesy by:Pba.ph)