SMBeer inako ang kuwatro puesto, sinibak ang Alaska,101-100!

SMBeer inako ang kuwatro puesto, sinibak ang Alaska,101-100!

SMBeer inako ang kuwatro puesto, sinibak ang Alaska,101-100!
PBA

SMBeer inako ang kuwatro puesto, sinibak ang Alaska,101-100!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Kinalsuhan ng San Miguel Beer ang pang-apat na posisyon at wakasan ang inaasam ng Alaska Milk sa quarterfinal sa manerbyosong 101-100 panalo sa kortesiya ng huling singhap na three-pointer ni Marcio Lassiter, Miyerkules sa DHVSU Gym.

Matiyagang humanap ng pagkakataon ang Beermen paikot ang bola bago nasilip si Lassiter na bukas sa kaliwang bahagi at dito ipinamalas naman ng Fil-Am gunner ang tatag ng loob para warakin ang sumisingasing na tres na naghatag sa SMB ng 7-4 win-loss closing mark sa PBA Philippine Cup elims.

Ang former all-Filipino five-peat champ ay papasada sa best-of-three quarterfinals series bilang fourth seed sa likod ng No. 1 TNT Tropang Giga, No. 2 Meralco at No. 3 Magnolia.

"Alam namin all-out sila for their quarterfinals drive. As for us, we wanted that W because gusto namin pumasok sa quarters na may momentum," sambit ni San Miguel coach Leo Austria.

Maagang lumagok ang Beermen sa kanilang 15-point lead sumunod amg pagratsa buhat sa pitong paghahabol tungo sa pag-eliminate sa Aces sa playoff race.

Iskor:
Alaska 100 - Tratter 24, Brondial 17, Herndon 15, Casio 11, Digregorio 9, Teng 9, Ahanmisi 5, Adamos 3, Banal 3, Ilagan 2, Stockton 2, Browne 0, Ebona 0, Marcelino 0, Publico 0.

Quarters: 33-19, 43-47, 75-77, 101-100
(Photo Courtesy by:Pba.ph)