Paul Lee kinalampag ang Cignal -PBAPC Player of the Week honor

Paul Lee kinalampag ang Cignal -PBAPC Player of the Week honor

Paul Lee kinalampag ang Cignal -PBAPC Player of the Week honor
PBA

Paul Lee kinalampag ang Cignal -PBAPC Player of the Week honor

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Tunay sa kanyang bansag na 'Angas ng Tondo, astig na pinangatawanan ni Paul Lee ang lakas sa loob ng court sa PBA Philippine Cup, Linggo kung saan matindi ang nakalatag sa pagitan ng dalawang pabidang koponan sa titulo.

Pasabog ang Tondo-born guard ng 18 magarbong baskets sa huling kanto para pangunahan ang Magnolia sa 100-90 win kontra San Miguel Beer na nagsilbing tiket sa Hotshots na sakupin ang nalalabing twice-to-beat advantage na nakataya pag -arya ng playoffs.

Sa kabuuan, tumibag ang 32-anyos na si Lee para liyaban ang Beermen sa kanyang 32 points, hinaluan ng 3-of-6 shooting mula sa arko, 4 rebounds, at 5 assists para tulungan ang kanyang koponan na tapusin ang kampanya sa elimination round sa tugatog makaraang maipanalo ang back-to-back games sa Don Honorio Ventura State University gym.

Naitala ng Magnolia ang pagwawakas ng eliminations sa barahang 8-3, kasalukuyang solo tersera puwesto, bagamat kasalukuyang nasa kampanteng posisyon para akuin ang no. 2 seeding patuntong sa quarterfinals.

Ang kinamada ay ang panglimang career 30-point game ni Lee batay kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, habang ang 18 points sa fourth period ay pinakamaraming pinuntos sa yugto ng isang player ngayong season.

Ang pag -alsa ni Lee para sa Magnolia ang kumalampag para siya ang tanghaling Cignal-Play PBA Press Corps Player of the Week honor para sa petsang Sept. 15 - 19.