Nagpakita ng presensiya si Greg Slaughter sa matatag na pag-alagwa para pasanin ang Batang Pier kontra Rain or Shine 91-88 via overtime sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Nilamukos ng seven-foot slotman ang potential game tying triple ni Gabe Norwood bago ang buzzer, para magawang putulin ng NorthPort ang two-game slide at mapaypayan ang pag- asang makapasok sa quarterfinals.
Ngayong tabla sa 5-5 ang karta, ang Batang Pier ay maaring mapitas ang kanilang agarang makapasok sa huling walo sakaling makaalpas sa eliminations sa bisa ng panibagong panalo sa Alaska sa susunod na linggo.
Salamat kay Slaughter, na kumamada ng 25 points, 11 rebounds at anim na tapal matapos ilagay siya sa likuran nung Biyernes, nang alisin siya ni coach Pido Jarencio sa dying seconds at nanood na walang magawa sa 89-90 kabiguan sa Magnolia Ang Pambansang Manok buhat sa pamatay na buzzer-beating sa loob ng basket ni Calvin Abueva.
Iskor:
NorthPort 91 - Slaughter 25, Bolick 24, Anthony 9, Malonzo 8, Elorde 7, Lanete 6, Grey 4, Ferrer 4, Onwubere 3, Rike 1, Taha 0, Subidoi 0, Balanza 0, Doliguez 0, Faundo 0.
Rain or Shine 88 - Ponferada 17, Belga 11, Santillan 9, Yap 9, Mocon 8, Borboran 8, Torres 8, Nambatac 6, Asistio 5, Norwood 3, Guinto 2, Caracut 2, Johnson 0, Tolentino 0.
Quarters:27-16, 42-37, 65-60, 80-80, 91-88 (OT)