Meralco Bolts pokus sa No.2, pinalasap sa Bossing ang 'di malimutang pasada sa PBA!

Meralco Bolts pokus sa No.2, pinalasap sa Bossing ang 'di malimutang pasada sa PBA!

Meralco Bolts pokus sa No.2, pinalasap sa Bossing ang 'di malimutang pasada sa PBA!
PBA

Meralco Bolts pokus sa No.2, pinalasap sa Bossing ang 'di malimutang pasada sa PBA!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Muling inihakbang ng Meralco na ilapit ang tropa sa panibagong kasaysayan ng prangkisa, Sabado, pero isinadlak naman ang Blackwater sa pusali ng libro ng talaan.

Inukit ng Bolts ang 104-97 panalo laban sa Bossing para manatiling nakatayo na mahugot ang huling slot sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ang kabiguan, kanilang panglabing-isa at huli sa torneo at 19th sa kalahatan sa gayung dami din ng laro, ibig sabihin hawak ngayon ng Blackwater ang sansalang katangiang may pinakamahabang sunod sunod na talo sa kasaysayan ng liga.

Ang Blackwater din ang naging unang koponan na walang naisampang panalo sa komperensiya mula noong ang Kia Picanto ay nilasap ang 0-11 sa 2017 Governors Cup.

Sa kanilang ikalawang magkasunod na panalo na naisampa sa 7-2 karta, matatag na nakakapit ang Meralco sa ikalawang upuan kung saan sakaling magpapanalo pa ang tropa sa nalalabing asignatura kontra Barangay Ginebra at NLEX, sunod na linggo.

Iskor:

Meralco 104 - Maliksi 21, Almazan 15, Jackson 14, Hugnatan 14, Quinto 10, Belo 8, Caram 8, Pasaol 7, Badao 6, Jamito 1, Jose 0, Pinto 0.

Blackwater 97 - Canaleta 15, Tolomia 15, Escoto 15, Enciso 14, Torralba 12, Daquioag 9, Magat 8, Cruz 4, Golla 3, Dennison 2, Paras 0, Semerad 0, Amer o, Desiderio 0, Nabong 0.

Quarters: 31-14, 61-38, 85-71, 104-97

 (Photo Courtesy by:Pba.ph)