NLEX todo barado ang lublob nang Blackwater, 90-73!

NLEX todo barado ang lublob nang Blackwater, 90-73!

NLEX todo barado ang lublob nang Blackwater, 90-73!
PBA

NLEX todo barado ang lublob nang Blackwater, 90-73!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Hindi pinaalpas ng NLEX ang bagsak na kapalaran ng Blackwater para pasadahan ng Road Warriors ang matikas na 90-73 panalo sa PBA Philippine Cup, Huwebes sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Si JR Quinahan, na nanood lang sa kanilang huling laban dulot ng injured hand, ay bumawi at imanibela ang Road Warriors sa kanyang 16 puntos, walong rebounds at dalawang assists para pigilan na rin ang pagbulusok ng tropa at itaas ang rekord sa 5-5.

Hatag din sina Philip Paniamogan, Kevin Alas, Don Trollano at Kevin Ighalo ng doble pigura kung saan inangat ng Road Warriors ang kanilang pag-asa habang lalong sinubasob ang Bossing.

Sa kanilang 10th straight loss sa liga, nagapos ang Blackwater sa pinakamahabang sunod sunod na kabiguan sa torneo - 18 na dinanas din ng Great Taste/Presto sa 1980 season.

Nabigo ang Bossing sa kanilang huling walong asignatura sa Season 45 all-Filipino sa AUF Gymnasium sa Angeles, Pampanga.
Iskor:

NLEX 90 - Quinahan 16, Paniamogan 14, Trollano 12, Ighalo 11, Alas 10, Porter 8, Cruz 8, Oftana 4, McAloney 3, Miranda 2, Soyud 2, Ayonayon 0, Semerad 0, Galanza 0.

Blackwater 73 - Enciso 17, Cruz 14, Torralba 10, Canaleta 6, Golla 6, Magat 6, Daquioag 5, Desiderio 4, Tolomia 3, Escoto 2, Paras 0, Semerad 0, Dennison 0, Amer 0, Nabong 0.
Quarters:28-22, 46-38, 70-58, 90-73

(Photo Courtesy by:Pba.ph)