Meralco nilatag ang posisyon sa quarterfinals, Dyip sinagasa

Meralco nilatag ang posisyon sa quarterfinals, Dyip sinagasa

Meralco nilatag ang posisyon sa quarterfinals, Dyip sinagasa
PBA

Meralco nilatag ang posisyon sa quarterfinals, Dyip sinagasa

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Bahagyang natigatig ang Meralco mula sa mahabang pagkakatenggga at kawalan ng ilang key players, na nagmarka para sa muling pagbabalik sa PBA Philippine Cup sa bisa ng 95-83 pagdiskaril sa Terrafirma, Huwebes sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Sina Bong Quinto at Anjo Caram amg mismong nanindigan para kay
coach Norman Black kung saan mayoryang nagpalitan ng bentahe bago nagsanib ng lakas si Reynel Hugnatan at Raymond Almazan para masustena ang paghatak ng scoring sa huling kanto at dumistansiya na ng todo ang Bolts sa harurot ng Dyip.

Pinagtibay ng Meralco ang pagkakahawak sa ikalawang posisyon bitbit ang 6-2 rekord sa pagtatapos ng 11-game eliminations at agawin ang huling win-once bentahe sa quarterfinals.

Sa totoo lang nasorpresa si Black at hindi inasahang malaglag ang kanyang tropa sa kanilang posisyon kasunod ng kanilang mahabang bakasyon buhat sa kanilang huling laro noong Sept. 3 kung saan ang ilang miyembro ay sumailalim sa health at safety protocols ng liga.

"It just happened that way. I thought that by the time we came back to the games the other teams would be ahead of us," pag-amin ni Black. "But certain teams losing to certain teams kept us in second place."

(Photo Courtesy by: Pba.ph)