Kings umeskapo sa Fuel Masters, 94-87

Kings umeskapo sa Fuel Masters, 94-87

Kings umeskapo sa Fuel Masters, 94-87
PBA

Kings umeskapo sa Fuel Masters, 94-87

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Suminghap ang Barangay Ginebra sa kanilang masangsang na title-retention bid sa paghagip ng come-from-behind 94-87 win kontra Phoenix Super LPG sa PBA Philippine Cup sa DHVSU Gym, Miyerkules.

Maalab na humalibas si Stanley Pringle at LA Tenorio buhat sa dispalinghadong ragasa sa huling tagpo na nagpamalas ng lakas matapos kumayod ang Kings mula sa 19 points pagkadapa sa unang bahagi at ilagay ang Fuel Masters na magkasosyo sa pampitong puwesto kasama ng NLEX Road Warriors, 4-5.

"It's been a rollercoaster for everybody but we decided to stay positive and stay together as a team," sambit ni Pringle, pinangunahan ang Kings na may 31 points kasama ang pagkalawit ng pitong rebounds, dalawang assists at isang steal.

Malaking pagbabago ang pinawalan ni Tenorio buhat sa scoreless outing sa kanilang 67-88 blowout ng TNT, kung saan kumayod ang maliksing guard sa kanyang 23 na pinatungan ng anim na three-pointers.

Iskor:

Ginebra 94 - Pringle 31, Tenerio 23, Standjardinger 21, Thompson 12, Mariano 3, Dillinger 2, Tolentino 2, Salado 0, Caperal 0, Enriquez 0, Aguilar 0, R. Aguilar 0, Devance 0, Holmqvist 0, Ayaay 0.

Phoenix 87 - Perkins 30, Wright 18,Jazul 15, Chua 12, Calisaan 3, Melecio 3, Banchero 2, Pascual 2, Demusis 2, Faundo 0, Muyang 0, Garcia 0, Manuel 0, Tamsi 0, Rios.

Quarters:16-33, 46-52, 69-76,94-87

(Photo Courtesy by:Pba.ph)