Tropang Giga tinumba ang Batang Pier, No.1 seed hinugot

Tropang Giga tinumba ang Batang Pier, No.1 seed hinugot

Tropang Giga tinumba ang Batang Pier, No.1 seed hinugot
PBA

Tropang Giga tinumba ang Batang Pier, No.1 seed hinugot

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nagsanib puwersa ang tambalan ng impresibong Mikey Williams at katropang Kib Montalbo para pamunuan ang TNT kontra NorthPort ,102-92, Miyerkules sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Muling umarangkada si Williams para sa Tropang Giga sa tinalbos na 29 points habang si Montalbo, ang 11th overall pick dalawang taon ang nakaraan ay umayuda ng career-high 22 kung saan sila ang halos namuno at nagmentina sa ikalawang kabanatang atake para tuluyang umalpas sa anumang pagtatangka ng Batang Pier.

"He's a dog, just a dog," sambit ni Williams sa former La Salle standout. "He's given us that energy, the spark that we need day in, day out. Taking on, most of the time, the best challenges that we have. And he's holding his own, he's doing really well. We're all pushing each other, we're all finding ways to get it done."

Sa kabuuan gumana ng todo ang Tropa para akuin ang kanilang ikatlong sunod na panalo para sa 9-1 record overall at sigurado sa No. 1 seeding sa quarterfinals na bitbit ang win-once advantage kontra sa No. 8 team sa quarterfinals.

Simpleng nagalak si TNT coach Chot Reyes sa kanyang bagong hugot na panapat sa pangunguna ni Montalbo na patuloy na nagpapamalas ng husay ngayon para bigyan ng limitadong oras sina Jayson Castro at Roger Pogoy.

Iskor:

TNT 102 - M. Williams 29, Montalbo 22, Rosario 18, Williams 11, Castro 9, Reyes 6, Heruela 4, Pogoy 3, Erram 0, Exciminiano 0, Khobuntin 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Javier 0.

NorthPort 92 - Taha 20, Ferrer 17, Malonzo 15, Bolick 12, Grey 10, Onwubere 9, Balanza 4, Lanete 3, Elorde 1, Subido 0, Doliguez 0, Faundo 0, Rike 0.

Quarters: 19-22, 42-41, 76-64, 102-92.

(Photo Courtesy by:Pba.ph)