Masasabing ang Rain or Shine ang pinakaaktibong tropa sa unang dalawang ikutan sa huling PBA draft.
At sa maigsing panahon, ginagapas na ngayon ang bunga ng kanilang pagsusugal dito sa mga bagitong player.
Pinupuri ni Coach Chris Gavina ang kanyang binansagang 'super rookies' na naglalaro na sobra pa sa kanilang inaasahan at ihatag sa prangkisa ang malaking pag-angat sa kanilang kampanya sa quarterfinals sa season opening meet.
Ang trio ni Leonard Santillan, Andre Caracut, at Anton Asistio ang naging ibayo ang galawan kasama na ang pagpinta ng back-to-back wins ng tropa laban sa powerhouse units Magnolia at San Miguel, daan para iangat ang Elasto Painters sa kanilang 6-4 kartada sa pangkalahatan, may isang laro pa ang nalalabi bago matapos ang kanilang kampanya sa elimination round.
Ang importansiya ng tatlong rookies ay maaaring hindi nasalamin hanggang sa matinding 95-93 pagsilat ng RoS kontra San Miguel nang kanilang pangunahan ang pagresbak ng Elasto Painters buhat sa halos 13-point deficit.
(Photo Courtesy by:Pba.ph)