Malaking dibidendo ang ginawang pamumuhunan ng Rain or Shine sa brigada ng bagitong player sa tropa.
Patunay na kung paano ipreserba ni Rey Nambatac kay rookie Santi Santillan ang career game sa pagpukol ng deciding basket para sa iglap na panalo ng Rain or Shine, 95-93 kontra sa San Miguel Beer, Linggo sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Tinanggap ang bola malapit sa kanang sulok, pausad na lumapit si Nambatac sa basket bago ipinorma ang kanyang pamatay na tira mula sa tatlong defenders.
Humalik pa ang bola sa glass board at tuluyang maihatag sa Elasto Painters ang dalawang puntos, may natira pang huling dalawang segundo kung saan nabigo na ring maisalta ng Beermen ang kanilang tangkang mabago ang kapalaran.
"That was all him," sambit ni RoS coach Chris Gavina kay Nambatac, ang No. 7 overall pick sa 2017 draft. "I got him the ball and he was the one who was able to go with his instincts and make that game-winning basketball."
Ang resulta, ang tagumpay ng Rain or Shine ay dumatal sa kapareho ring maalab na 75-72 upset sa Magnolia Ang Pambansang Manok noong Biyernes na nagbigay sa kanilang 6-4 baraha at malinaw na daan sa quarterfinals. Panibagong panalo sa kanilang huling elimination round game laban sa NorthPort ang sisiguro sa matatag na kampanya ng E-Painters.
Iskor:
Rain or Shine 95 - Santillan 21, Mocon 18, Asistio 11, Nambatac 9, Yap 9, Belga 9, Caracut 7, Torres 4, Norwood 3, Guinto 2, Ponferada 2, Wong 0, Johnson 0, Tolentino 0, Borboran 0.
SMB 93 - Romeo 20, Santos 18, Perez 18, Tautuaa 13, Lassiter 11, Fajardo 8, Pessumal 3, Ross 2, Zamar 0, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.
Quarters: 16-27, 41-51, 72-69, 93-95
(Photo Courtesy by:Pba.ph)