Malonzo, Bolick nagpasikat, NorthPort niragasa ang Terrafirma,104-84

Malonzo, Bolick nagpasikat, NorthPort niragasa ang Terrafirma,104-84

Malonzo, Bolick nagpasikat, NorthPort niragasa ang Terrafirma,104-84
PBA

Malonzo, Bolick nagpasikat, NorthPort niragasa ang Terrafirma,104-84

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Patuloy na inangat ng Northport ang kanilang baton sa PBA Philippine Cup nang maikarga ang matikas na 104-84 panalo kontra bumulusok na Terrafirma, Sabado sa Don Honorio Ventura State University Gym, Bacolor, Pampanga.

Si Garvo Lanete na galing bench ay bumanat ng game-high 18 points habang inilatag naman nina Robert Bolick at Jamie Malonzo ang kani- kanilang ratsada para sa maagang pagsampa ng Batang Pier na naging eskinita palayo sa unang parte pa lang.

Sa papatapos na aksiyon, na angat sa 104-77, opisyal na nahugot ng NorthPort ang ikalawang sunod na panalo para sa 3-3 record overall.

Ayos na ito para sa isang tropang sinimulan ang torneo na may 1-3 kartada at nakuha ang panalo kaagapay si team manager Bonnie Tan na humalili bilang coach mula sa kawalan ni Pido Jarencio at kanyang staff, na nasa ilalim pa ng health at safety protocols ng liga pero inaasahan namang makaklaro na sila sa susunod na linggo.

 

Namentina ni Tan ang lahat na dapat na taktika at simpleng naipatupad ang nais ni Jarencio at nilatag ng kanyang deputies.
"It's all coach Pido's system, wala kaming pagbabago," aniya . "At least they're responding."

Iskor:

NorthPort 104 - Lanete 18, Bolick 15, Malonzo 14, Onwubere 10, Elorde 9,Taha 8, Faundo 6, Rike 6, Ferrer 5, Anthony 4, Subido 3, Balanza 2, Slaughter 2, Doliguez 0.

Terrafirma 84 - Adams 14, Ramos 14, Batiller 11m, Tiongson 9, Ganuelas-Rosser 9, McCarthy 8, Camson 7, Calvo 6, Gabayni 3, Laput 2, Celda 1, Alolino 0, Cahilig 0, Balagasay 0.

Quarters:22-12, 55-37 84-62, 104-84

(Photo Courtesy by:Pba.ph)