Kings ginamit ang depensiba kontra Elasto Painters

Kings ginamit ang depensiba kontra Elasto Painters

Kings ginamit ang depensiba kontra Elasto Painters
PBA

Kings ginamit ang depensiba kontra Elasto Painters

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Ginamit ng Barangay Ginebra Kings ang templadong istratehiya at maibaldosa ang Rain or Shine Elasto Painters sa salpukan ng depensiba tungo sa paglagare ng 83-77 panalo, Miyerkules ng gabi sa PBA Philippine Cup sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Sumabak ang Kings sa E-Painters sa baldagan ng depensa at lansihan ng pagkilos at tuluyang manduhan ang tempo ng laban para angkinin ang ikatlong panalo sa kapareho ding numero ng kabiguan.

Tinubos ni Coach Tim Cone at kanyang tropa buhat sa kanilang sorry loss sa Terrafirma Dyip sa huling laban at iusad sa pampitong posisyon, sa likod lang ng Elasto Painters na dumapa sa 4-4.

"We let our defense do the talking. We played a real good defensive team in Rain or Shine. Statistically, they're the toughest defensive team in the league. So, for us to go out, we have to play a real good defense. And I think we won the hustle charts," sambit ni Cone.

Ramdam ng Ginebra mentor na magiting na trumabaho si Scottie Thompson mula sa 6 rebounds, 6 assists, 2 steals at 1 block na lumagok sa kanyang 14 points.
Epesyente si Thompson sa kanyang 3-of-3 three-pointers at 5-of-6 field shooting overall, na ang kanyang huling tres ang bumasag sa E-Painters.

"Nakuha namin 'yong game namin," ani Thompson na tinakas ang tres mula sa 7-0 pasabog na naghatag sa 82-74 sa loob ng huling minuto ng aksiyon.

"Yung three-point shooting ko siguro tumama lang. Open shots naman, and credit to my teammates they moved the ball around at nakita yung open man," sabi pa ni Thompson.

The scores:

Ginebra 83 - Standhardinger 16, Tenorio 15, Aguilar 15, Thompson 14, Caperal 11, Pringle 10, Mariano 2, Dillinger 0, Salado 0, Tolentino 0, Ayaay 0, R. Aguilar 0.

ROS 77 - Nambatac 18, Asistio 14, Belga 12, Torres 10, Mocon 9, Yap 5, Borboran 4, Caracut 3, Wong 2, Guinto 0, Norwood 0, Johnson 0, Tolentino 0, Ponferrada 0, Santillan 0.

Quarters: 21-23, 35-35, 57-50, 83-77


(Photo Courtesy by:Pba.ph)