Mismong kaarawan ni Reyes, TNT pinitik ang Phoenix 84-80!

Mismong kaarawan ni Reyes, TNT pinitik ang Phoenix 84-80!

Mismong kaarawan ni Reyes, TNT pinitik ang Phoenix 84-80!
PBA

Mismong kaarawan ni Reyes, TNT pinitik ang Phoenix 84-80!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nagsilbing swabeng regalo para kay TNT Tropang Giga coach Chot Reyes ang pinaghirapan istratehiya ng tropa, matapos itarak ang 84-80 win kontra Phoenix Super LPG mismong sa kanyang ika-58 kaarawan para sa his 58th 3-0 baraha sa 46th PBA Philippine Cup, Linggo sa Ynares Sports Arena.

Sumiklab si Troy Rosario sa papaupos na sandali kung saan pinatameme ng Tropang Giga matapos ang mainit na simula ng Fuel Masters sa halos buong aksiyon.

Pinukpok ni Rosario ang 10 sa kanyang 15 points sa huling anim na minuto, kasama na ang go-ahead tip-in, dagdag ang walong rebounds para sindihan ang mitsa ng TNT mula sa come-from-behind victory tungo sa paggapos ng kanilang ikalawang posisyon sa likod ng 4-0 rekord ngMagnolia.

Halos 48-minutong nangunyapit ang lakas ng Tropang Giga, kung saan sinakluban ng may 16 sa unang parte at 70-77 bago manduhan ni Rosario 14-3 pagratrat.

"I thought Phoenix came in with an excellent game plan. They prepared for us really well, they knew exactly how we wanted to do things," ani Reyes.
Iskor:

TNT 84 - Rosario 15, Pogoy 13, Castro 10, M. Williams 9, Khobuntin 9, K. Williams 8, Marcelo 6, Montalbo 5, Erram 3, Exciminiano 3, Alejandro 3, Heruela 0, Washington 0.

Phoenix 80 - Wright 15, Perkins 14, Manuel 13, Banchero 12, Melecio 11, Jazul 6, Pascual 3, Demusis 2, Chua 2, Rios 2, Garcia 0.

Quarterscores: 17-26, 40-45, 60-63, 84-80.

(Photo by:Pba.ph)