TnT matikas vs RoS, 79-69!

TnT matikas vs RoS, 79-69!

TnT matikas vs RoS, 79-69!
PBA

TnT matikas vs RoS, 79-69!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Bahagyang dinaga si rookie Mikey Williams sa kanyang unang salang sa PBA, pero ipinamalas ng TnT Tropang Giga ang kanilang tapang sa pagragasa ng 79-69 win laban sa Rain or Shine para manatiling walang bahid sa Philippine Cup.

Pawang rumampa sina Roger Pogoy, Troy Rosario, at Glenn Khobuntin na kumatas ng doble pigura para sa tropa at punan ang malamyang atake ng no. 4 overall pick na si Williams na humatak lang ng 2-of-10 mula sa field at akuin ang pitong puntos.

Si Pogoy at Rosario ay may tig-13 points, haban nagdagdag si Khobuntin ng 10 sa tagumpay na natamo halos dalawang linggo matapos muling bumalik sa aksiyon ang ng Tropang Giga.

May 2-0 kartada na ngayon ang TnT para sa solo segundang posisyon sa standings sa likuran ng Magnolia (4-0).

Aminado si coach Chot Reyes na wala naman siyang gaanong inaasahan mula sa 28-anyos na si Williams sa kanyang unang laro sa prangkisa matapos dumating sa bansa ilang araw bago nagsimula ang liga.

The scores

TNT (79) -- Rosario 13, Pogoy 13, Khobuntin 10, Castro 9, M. Williams 7, Heruela 6, Alejandro 6, K. Williams 6, Montalbo 5, Erram 4, Marcelo 0.

RoS (69) -- Mocon 22, Borboran 12, Johnson 7, Caracut 6, Norwood 6, Torres 5, Ponferada 5, Nambatac 4, Wong 2, Belga 0, Santillan 0.

Quarterscores: 22-19; 43-33; 64-52;79-69.