Alaska binaldosa ang Rain or Shine, 74-48!

Alaska binaldosa ang Rain or Shine, 74-48!

Alaska binaldosa ang Rain or Shine, 74-48!
PBA

Alaska binaldosa ang Rain or Shine, 74-48!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Walang - awang hinalibas ng Alaska ang Rain or Shine para ipalasap ng Aces ang unang kabiguan sa PBA Philippine Cup.

Binarahan ng Aces ang arsenal ng Elasto Painters sa pinakamababa nitong puntos sa kasaysayan ng kanilang prangkisa kasunod ng 74-48 win at ihinto ang dalawang talo, Miyerkules sa Ynares Sports Arena.

Umiskor si Rodney Brondial ng 10 sa kanyang game-high 13 points sa unang bahagi, habang nagsumite si Abu Tratter ng double-double na 12 points at 13 rebounds para dalhin ang lakas para sa Aces sa pinakamababang iskoran sa PBA game sa huling walong taon buhat nang pataubin ng Petron ang Shopinas, 60-53, sa 2013 Commissioner's Cup.

Binalikat ngayon ng Alaska ang 2-2 record, habang pinigil ang Elasto Painters sa kanilang ratsada sa pagsisimula ng season na may tatlong sunod na panalo.

"I want to commend the guys for not being too low even after losing two games," wika ni coach Jeffrey Cariaso sa kanyang tropa, na dumanas ang team ng back-to-back losses laban sa Magnolia at Phoenix.

(Photos by:pba.ph)