Cruz, Quinahan nirendahan ang NLEX sa pagpisak kontra Terrafirma 108-94

Cruz, Quinahan nirendahan ang NLEX sa pagpisak kontra Terrafirma 108-94

Cruz, Quinahan nirendahan ang NLEX sa pagpisak kontra Terrafirma 108-94
PBA

Cruz, Quinahan nirendahan ang NLEX sa pagpisak kontra Terrafirma 108-94

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Inangkorahe nina Jericho Cruz at JR Quinahan ang umaalimpuyong atake sa huling kanto para sagasaan ng NLEX ang Terrafirma 108-94, para maibalik ang daan sa tagumpay sa 46th PBA Philippine Cup, Linggo ng gabi sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Tumaktak ng pinagsanib na 17 sa 23-9 pasabog sina Cruz at Quinahan na susi ng pagharurot ng Road Warriors sa 98-82 buhat sa dikitang two-point contest.

Pumusil si Quinahan ng 19 para pakislapin ang team high 21 ni Kevin Alas, dagdag si Cruz ng 15 tungo sa pagbalik ng Yeng Guiao-coached squad mula sa 93-110 loss sa San Miguel noong July 21 at mapaganda ang rekord sa 2-2.

Ang Dyip, na nagpakita sa kanilang unang laro buhat noong July 17, ay nabalaho sa 0-2.

Ani Guiao, ang final score ay hindi naman repleksiyon na mahirapan sa arangkadahan ang Road Warriors kontra astig na Dyip.(LP/PBA)

 

The Scores:

NLEX 108 - Alas 21, Quinahan 19, Oftana 16, Cruz 15, Semerad 13, Soyud 7, Ravena 5, Porter 4, Trollano 4, Miranda 4.

Terrafirma 94 - Munzon 24, Ramos 17, Cahilig 10, Adams 9, McCarthy 8, Calvo 7, Rosser 6, Tiongson 5, Laput 4, Gabayni 2, Celda 2, Balagasay 0, Batiller 0.

Quarterscores: 23-25, 41-44, 73-67, 108-94.