Back to back win sa Elasto Painters

Back to back win sa Elasto Painters

Back to back win sa Elasto Painters
PBA

Back to back win sa Elasto Painters

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sa bagong mandato ni coach Chris Gavina, maaga ang isinagawang pananalasa ng Rain or Shine para ilista ang ikalawang sunod na panalo kontra Blackwater, 71-62, sa PBA Season 46 Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig, Linggo.

Matapos kanain ang gahiblang 83-82 paglubak sa NLEX Road Warriors sa unang araw ng aksyon, naikarga ng Elasto Painters ang magarbong panalo versus Bossing na muling lumupaypay para sa ikalawa din nitong pagkabigo matapos iligwak ang kampo ni coach Nash Racela ng Alaska Aces, 103-77, Biyernes

At walang matinding diskarteng naitaya ang Bossing kung saan namilipit sa shooting.

Pinasadahan ng E-Painters ang Bossing sa unang tatlong yugto ng aksyon at bagamat bahagyang nagpabaya sa fourth, naisalang pa rin ng kampo ang panalo upang maihatag ang maagang liderato sa liga kasalo ang Meralco Bolts sa 2-0 karta.

Muling nanguna si Rey Nambatac para sa RoS na pumitas ng 21 puntos, 12 rebounds sa bibihirang doble-dobleng pasikat.

May sarili din doble-dobleng sagasa si Javee Mocon sa kanyang 12 basketa, 12 rebounds, si Norbert Torres (13 points) at Beau Belga (10 boards at 8 puntos) para sa kanilang solidong stats.(LP/PBA)