Blackwater ligwak sa Alaska, 103-77
PBA

Blackwater ligwak sa Alaska, 103-77

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Niligwak  agad ng Alaska ang  Blackwater 103-77 Biyernes sa pagsisimula ng 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
 
Kinaltok ng Alaska ang balansiyadong  scoring sa ikatlong kanto sa likod ni veteran Gab Banal, na iniskor ang lahat ng walong puntos sa yugto, para tulungan ang kanyang tropa sa 71-57 bentahe matapos ang third. 
 
Tinangka ng Blackwater na umalsa sa kinamadang baskets ni  Mike Tolomia para ihatid sa anim na lang  na ungos, 76-70, pero kinasihan ng tres ang Aces mula kina Mike DiGregorio at Jvee Casio para maibalik ang doble pigurang kaungusan  82-70, 6:58  ang nalalabi. 
 
Si DiGregorio, na tumuhog lang ng tatlong puntos sa unang bahagi, ay nagawang uminit sa ikalawang kabanata diretso sa  20-point game mula sa episyenteng  8/12 shooting clip. Ang higanteng si Yousef Taha ay nagdomina rin sa aksyon na may  16-marker, seven-board performance.(LP/PBA)