2 komperensiya target ng PBA ngayong 2021
PBA

2 komperensiya target ng PBA ngayong 2021

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Target ng Philippine Basketball Association (PBA) na maisakatuparan ang dalawang komperensiya, ang pinakaantisipang Philippine Cup at ang sinahugang import conference, para sa ika-46 na season ng liga.

Gayunman, sinabi ni Commissioner Willie Marcial, Huwebes na susubukan ng liga na mailaro ang klasikong three-tournament calendar sa kabila nang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

"Pipilitin namin kung kakayanin, three conferences. Kung hindi, two conferences (We will try to hold three conferences if we can. If not, we will hold two conference)," pahayag ni Marcial sa pagpapatuloy ng Tabloid Organization in Philippine Sports' Usapang Sports forum.

Sakaling ang three-conference schedule ay masikip na maisakatuparan, aniya ang reinforced conference ngayong taon ay maaring ang karaniwang season ending tournament.

"Baka Governors' Cup, " ani pa Marcial.

Gayunman, nilinaw niyang wala pang natutuldukang plano sa ngayon.

"Hindi ko pa masasabi sa inyo hanggang wala pang liwanag sa atin kung may vaccine na tayo at ano ang ipapagawa ng gobyerno sa atin," ani Marcial.

Sinimulan na ng national at local government units ang kanilang procurement process para makakuha ng Covid-19 vaccines na maaring dumating sa kaagahan ng taon.

Sa kabilang dako, sinimulan na ng Estados Unidos ang pagtuturok sa kanilang mamamayan ng Covid-19 vaccines, kung saan mapapadali para sa mga import na maklaro sa kanilang mga aksiyon.

"Titignan namin if papayag sila [na maglaro dito] at ano ang quarantine na hihingiin ng government," ani Marcial.

Nakatakda ang 46th season ng PBA sa April 9, ang Philippine Cup.

Kinukunsidera din ni Marcial na masimulan sa Agosto ang import-laden conference. (LP/TOPS)

 

Photo Courtesy : SUNSTAR