Opisyal nang deneklara ng may 27 basketbolista ang kanilang intensyong sumali sa taunang PBA Draft nitong Biyernes, kung saan ilang kilalang pangalan ang nagsumite na ng kanilang aplikasyon.
Tampok sa pinakahuling bugso ng aplikante para sa preseason event ay players mula sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 – na sina Manila Chooks TM's Alvin Pasaol, Santi Santillan, at Troy Rike, Butuan-Uling Roasters' Franky Johnson, at Bacolod - Master Sardines' Anton Asistio.
Entra din sa draft sina dating Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) players Josh Torralba, Nick Demusis, at Jed Mendoza.
Ang high-flying na si Demusis ay ang bida ng Bacoor City, habang si Mendoza ay naglalaro sa Biñan City.
Andre Paras 6'5 panganay na anak ni PBA tower of power Benjie Paras ay lalahok din. Paras nagsimula noon collegiate career niya sa University of the Philippines mula noong sa UAAP Season 76. Tumagal siya ng isang season sa Fighting Maroons bago lumipat sa San Beda.
Sa kabilang banda, si Torralba ang tumulong para bitbitin ang Makati sa MPBL North Division Finals, na nahinto dulot ng pandemya.
Hindi pa sumasagot ang MPBL sa panawagan ng Games and Amusements Board sa nasabing club leagues na gawing professional lalo na para sa kanila para maipagpatuloy ang torneo sa kabila ng pandemic, kung saan maraming katanungan kung kelan maibabalik ang playoffs.
Ang 2021 PBA Draft, ang unang draft na madaraos sa pamamagitan ng online sa March 14. (LP)